okay c: so it's
now officialy 2012 :)
ano namang new year's resolution mo ngayon????
ako?.......... mag-aral ng mabuti, bawas sa
leisure time, magpapakabait, tipid tipid ng konti.... mejo mahirap no? pero san
ka naman kase nakakita ng new year's resolution na natutupad diba?? :)
ayan, andami nanamang puyat ngayon kakaantay ng
12 kagabe, ako din eh, lahat na yata ng klase ng pampagising na try ko na, pero
worth it naman diba???
ano nga bang madalas na ginagawa nating mga pinoy
kapag new year???
1.) paputok :)
isang malaking CONGRATULATIONS sa ating D.O.H at
sa mga pulisyang sobrang pinag kaabalahan ang pag puksa sa mga ilegal dealers
ng paputok, hindi ko naman nilalahat pero dito kasi sa amin eh halos wala
talagang nagpaputok, at kung meron man eh yung mga fireworks lang, sosyal diba?
napalitan na kasi ng iba't ibang makabagong tradition ang nakagawiang
pagpapaputok, gaya nalang ng pagpapalipad ng mga japanese lanterns na iwas
tanggal daliri pa... pero ano ba kasing nagagawa ng paputok??? bukod sa makulay
at maganda ito sa ating paningin, eh nagbibigay bagong pag-asa din ito sa atin
na maitataboy nito ang malas na mayroon tayo noong nakaraang taon, ang ingay na
taglay niya ay nakapambubulabog sa mga masasamang elementong lumiligid dito
pero may mga kaakibat namang delikadong pangyayari ang pagpapaputok, kaya nga
sa panahong ito eh kailangang handa tayong makakita ng mga duguang kamay at
kung anu ano pang parte ng katawan, at sabay sabay din tayong huminga ng
malalim dahil kung usok din lang ang paguusapan, the best at waging wagi ang
panahong ito.
2.) Bilog bilog at malagkit
anong handa nyo kagabi??? taon taon hindi
mawawala sa lamesa namin ang 12 bilog na prutas at iba't ibang klase ng
malalagkit na kakanin, swerte daw kasi ito at papatibayin pa ang relasyon ng
buong pamilya, o diba? dinaan sa pagkain ang kaginhawaan.
3.) talon!
sabi nila kailangan daw tumalon para tumangkad,
sabi ko namn, walo po bang pwedeng gawin para pumayat naman? haha, hindi naman
scientifically proven ang mga ito pero wala namang mawawala kung ating
susubukan diba, kaya sige! talon lang ng talon :)
4.)lucky charms
ngayon ay year of the dragon, ano kayang
pampaswerte ang bagay sa akin? madalas itong tanong ng mga taong sa bracelets o
sa mga kung anu anong palamuti naman inaasa ang swerte, kahit pa hindi naman
natin kultura ang pag susuot ng lucky charms eh sige pa rin, pinyang ginto
doon, barya baryang magkakadikit dito... at kung anu ano pang disenyo ng ampaw
ang naglalabasan.... gilty din naman ako dito eh, ikaw ba?
sa dinami dami ng mga bagay na ginagawa natin,
swertehin lamang ang taon na ito wag sana nating makalimutan na ang swerte ay
nasa ating sipag at tiyaga, wala sa kung anik anik na paniniwala...
halika, salubungin natin ng ngiti ang bagong taon
:)