Thursday, March 29, 2012


okay c: so it's now officialy 2012 :)
ano namang new year's resolution mo ngayon????
ako?.......... mag-aral ng mabuti, bawas sa leisure time, magpapakabait, tipid tipid ng konti.... mejo mahirap no? pero san ka naman kase nakakita ng new year's resolution na natutupad diba?? :)

ayan, andami nanamang puyat ngayon kakaantay ng 12 kagabe, ako din eh, lahat na yata ng klase ng pampagising na try ko na, pero worth it naman diba???

ano nga bang madalas na ginagawa nating mga pinoy kapag new year???
1.) paputok :)
isang malaking CONGRATULATIONS sa ating D.O.H at sa mga pulisyang sobrang pinag kaabalahan ang pag puksa sa mga ilegal dealers ng paputok, hindi ko naman nilalahat pero dito kasi sa amin eh halos wala talagang nagpaputok, at kung meron man eh yung mga fireworks lang, sosyal diba? napalitan na kasi ng iba't ibang makabagong tradition ang nakagawiang pagpapaputok, gaya nalang ng pagpapalipad ng mga japanese lanterns na iwas tanggal daliri pa... pero ano ba kasing nagagawa ng paputok??? bukod sa makulay at maganda ito sa ating paningin, eh nagbibigay bagong pag-asa din ito sa atin na maitataboy nito ang malas na mayroon tayo noong nakaraang taon, ang ingay na taglay niya ay nakapambubulabog sa mga masasamang elementong lumiligid dito pero may mga kaakibat namang delikadong pangyayari ang pagpapaputok, kaya nga sa panahong ito eh kailangang handa tayong makakita ng mga duguang kamay at kung anu ano pang parte ng katawan, at sabay sabay din tayong huminga ng malalim dahil kung usok din lang ang paguusapan, the best at waging wagi ang panahong ito.
2.) Bilog bilog at malagkit
anong handa nyo kagabi??? taon taon hindi mawawala sa lamesa namin ang 12 bilog na prutas at iba't ibang klase ng malalagkit na kakanin, swerte daw kasi ito at papatibayin pa ang relasyon ng buong pamilya, o diba? dinaan sa pagkain ang kaginhawaan.
3.) talon!
sabi nila kailangan daw tumalon para tumangkad, sabi ko namn, walo po bang pwedeng gawin para pumayat naman? haha, hindi naman scientifically proven ang mga ito pero wala namang mawawala kung ating susubukan diba, kaya sige! talon lang ng talon :)
4.)lucky charms
ngayon ay year of the dragon, ano kayang pampaswerte ang bagay sa akin? madalas itong tanong ng mga taong sa bracelets o sa mga kung anu anong palamuti naman inaasa ang swerte, kahit pa hindi naman natin kultura ang pag susuot ng lucky charms eh sige pa rin, pinyang ginto doon, barya baryang magkakadikit dito... at kung anu ano pang disenyo ng ampaw ang naglalabasan.... gilty din naman ako dito eh, ikaw ba?

sa dinami dami ng mga bagay na ginagawa natin, swertehin lamang ang taon na ito wag sana nating makalimutan na ang swerte ay nasa ating sipag at tiyaga, wala sa kung anik anik na paniniwala...
halika, salubungin natin ng ngiti ang bagong taon :)

No comments:

Post a Comment